^

Probinsiya

Trader bulagta sa tandem

Pilipino Star Ngayon
Trader bulagta sa tandem
Iniwang duguan habang nakabulagta ang negosyanteng si Allan Reconday matapos na ratratin ng riding-in-tandem sa harap ng isang palengke sa Libon, Legaspi City kahapon ng madaling-araw.
Jorge Hallare

LEGASPI CITY, Albay , Philippines  —  Bulagta ang isang 44-anyos na magtitinda ng karne na dati nang sumuko sa Oplan Tokhang matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem suspect sa harap ng palengke ng Brgy. Bonbon, Libon, ng lalawigan kahapon ng madaling-araw.

Isinugod pa ng mga ka­anak sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital sa Ligao City pero idineklarang patay si Allan Doctolero Reconday, ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng madaling-araw, kararating pa lang ng biktima sakay ng kanyang tricycle at inihahanda ang kinatay na panindang baboy para dalhin sa kanyang meat stall nang lapitan ng dalawang lalaki na inabangan ang pagdating nito sa palengke at bigla siyang pinagbabaril sa ulo at katawan. Nang masigurong patay na ang biktima, tumakas ang gunmen sa hindi malamang direksyon. Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang sa biktima na dati nang sumuko sa mga awtoridad noong 2016 dahil sa pagkakaugnay sa droga. Nakuha sa lugar ang limang basyo ng bala ng kalibre 45.

vuukle comment

OPLAN TOKHANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with