^

Probinsiya

2 ‘tulak’ utas sa buy-bust

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
2 âtulakâ utas sa buy-bust
Batay sa ulat ni P/Supt.Reydante Ariza, chief of police rito, lehitimo ang kanilang ginawang operasyon dakong alas-7:30 ng umaga matapos na makabili ang poseur buyer na pulis ng isang plastic sachet ng shabu sa suspek na si Christopher Supremo,43, at kasabwat nitong si Hilario Torres.
Joven Cagande/File

LUCENA CITY, Philippines — Patay ang sinasabing dalawang lalaking kabilang sa drug watchlist makaraang umano’y pumalag sa anti-drug operation ng Lucena Police-Drug Enforcement Unit kahapon ng umaga sa Purok Greenhills Phase 1, Barangay Market View.

Batay sa ulat ni P/Supt.Reydante Ariza, chief of police rito, lehitimo ang kanilang ginawang operasyon dakong alas-7:30 ng umaga matapos na makabili ang poseur buyer na pulis ng isang plastic sachet ng shabu sa suspek na si Christopher Supremo,43, at kasabwat nitong si Hilario Torres. Nakahalata umano ang mga suspek na pulis ang katrasaksyon kung kaya’t kapwa bumunot ng baril at nagpaputok, gayunman nang gantihan ay doon na sila napuruhan.

Nakuha sa tabi ng dalawang napaslang ang kalibre 45 at kalibre 38 revolver at ilang sachet ng hinihinalang shabu at marked money. 

Ayon sa anak na babae ni Supremo, walang baril ang kanyang ama at kalalabas lamang nito  sa kanilang bahay upang iayos ang kanilang tricycle nang lapitan at barilin sa tagiliran ng hindi kilalang lalaki saka may inilagay ito sa bulsa. (Joy Cantos)

DRUG WAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with