3 todas sa Cavite drug ops
Sa ulat, dakong 3:15 ng umaga nang mapatay sa barilan sa Pedro Reyes St., Brgy. Malagasang I-B, Imus City, Cavite ang dalawang suspek na sina Joseph Saba Torres, ng Berrita Subd., Brgy. Bayan Luma I, Imus City, Cavite at Glen Karim Ladsig, ng Jose Sabater Bldg., Bayan Luma 6, Imus City, Cavite matapos umano silang kumasa sa pulisya.
3 todas sa Cavite drug ops
Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - August 18, 2018 - 12:00am

CAVITE  , Philippines  —  Tatlong drug suspect ang nasawi matapos na umano’y kumasa sa drug operations na ikinasa ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Cavite kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat, dakong 3:15 ng umaga nang mapatay sa barilan sa Pedro Reyes St., Brgy. Malagasang I-B, Imus City, Cavite ang dalawang suspek na sina Joseph Saba Torres, ng Berrita Subd., Brgy. Bayan Luma I, Imus City, Cavite at Glen Karim Ladsig, ng Jose Sabater Bldg., Bayan Luma 6, Imus City, Cavite matapos umano silang kumasa sa pulisya.

Habang nasa kalagitnaan ng transaksyon, nakatunog ang dalawa na mga pulis ang bumibili kaya agad silang bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis sanhi ng barilan.

Narekober sa crime scene ang dalawang caliber 38 at mga bala nito, motorsiklo na may plakang 1443-DA at isang sachet ng shabu nang kapkapan ang nakabulagtang si Torres habang sa bulsa ni Ladsig ang dalawang sachet ng shabu at buy-bust money na tatlong piraso ng 1,000 peso bill.

Samantala, dakong 5:30 ng umaga nang mapatay si Nestor Samson sa Blk. 17 Lot 10 Blessed Ville Subd., Barangay Sampaloc 2, Dasmariñas City na target ng search warrant operation ng pulisya dahil sa paglabag sa batas laban sa ilegal na droga. Palapit palang umano ang awtoridad sa bahay niya nang pagbabarilin ang mga pulis dahilan upang gumanti sila ng putok na nagresulta sa agaran nitong kamatayan. Nakuha sa lugar ng pinangyarihan ang cal. 45 at mga bala nito at 6 na plastic sachet ng shabu.

DRUG SUSPECT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with