Kinilala ni City Police Station 1 commander Chief Inspector Reynaldo Delantien ang nasa­wing biktima na si Nasser Gayak, 40-an­yos, nagtuturo sa Mindanao Capitol Colleges Inc., ng Brgy. Buliok Pagalungan, Maguindanao.
Guro pa niratrat sa Cotabato
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - July 15, 2018 - 12:00am

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Isa na namang guro ang pinagbabaril ng hindi pa kilalang suspek sa kanto ng Jose Lim Street, sa harapan ng Tam’s Bakery sa Brgy. Poblacion Singko, Cotabato City, Biyernes ng hapon.

Kinilala ni City Police Station 1 commander Chief Inspector Reynaldo Delantien ang nasa­wing biktima na si Nasser Gayak, 40-an­yos, nagtuturo sa Mindanao Capitol Colleges Inc., ng Brgy. Buliok Pagalungan, Maguindanao.

Sa inisyal na ulat, pasado alas-5 habang naglalakad lamang sa nasabing lugar ang biktima nang pagbabarilin ng suspek lulan ng itim na Honda XRM-125 motorcycle na walang plaka.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at likod ang biktima dahilan ng kanyang kamatayan.Narekober ng pulisya sa crime scene ang isang basyo ng cal. 45 na pistol.

Personal grudge ang sinusundang anggulo ng mga awtoridad sa motibo ng pamamaslang sa biktima.

Nauna rito, pinagbabaril ang guro na si Ritchel Celestial Pareño, tumatayong principal ng Bulol High School, isang annex school ng Pikit National High School na nasa Brgy. Bulol, Pikit noong Hulyo 12 ng umaga sa NIA Road, Brgy. Tapkepan, Pikit na ngayon ay patuloy na nagpapagaling sa ospital. (Joy Cantos)

SHOT DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with