2 kelot tinodas sa KTV bar
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 29, 2018 - 12:00am

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Dalawang lalaki kabilang ang isang bagong laya mula sa Provincial Jail ang kapwa nasawi makaraang pagbabarilin  ng riding-in-tandem suspects sa harap ng Fairy Queen KTV Bar sa bisinidad ng Manapao St., Brgy. Poblacion, Kabacan, ng lalawigan noong Linggo ng umaga. Kinilala ni P/CI Ronnie Cor­dero, hepe ng Kabacan PNP ang mga nasawi na sina Kipua Mukalam, 18 anyos, magsasaka na residente ng Sitio Lugit, barangay Lower Paatan ng nasabing bayan at si Randy Kadil Samama, residente ng Carmen, North Cotabato. Si Samama ay bagong laya lamang mula sa North Cotabato Provincial Jail dahil sa kasong pagnanakaw. Ayon sa report, dakong alas-8:20 ng umaga habang nakatayo sa harap ng KTV bar ang dalawang biktima na parang may hinihintay nang lapitan ng mga suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril sa ulo. Personal na alitan ang isa sa mga anggulong sinusundan ng pulisya sa krimen.

PROVINCIAL JAIL RIDING-IN-TANDEM SUSPECTS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with