Most wanted utas sa shootout

CANDELARIA, Quezon  , Philippines  —  Patay ang isang “most wanted person” makaraang makipagbarilan sa mga pulis na aaresto sa kanya sa Purok 6, Brgy. Malabanban Sur kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na nakarating kay Quezon Police Dir. Sr. Supt.Osmondo de Guzman, nakilala ang napaslang na si Bernaldo Dailo alyas “Bernie”, 36, may asawa, wanted sa kasong murder at nakatira sa Brgy. Mangilag Sur.

Sa ulat, dakong alas-7:10 ng umaga nang tunguhin ng mga operatiba ng warrant section ng Candelaria Police ang bahay na pinagtataguan ng suspek upang isilbi ang warrant of arrest subalit nang makita nito ang mga unipormadong awtoridad ay nagpaputok ang huli ng baril saka tumakbo. 

Hinabol ng mga awtortidad ang suspek subalit nang makorner ay naghagis pa siya ng granada na sa kabutihang palad ay ‘di sumabog. Dito na gumanti ang mga pulis na nagresulta sa pagkasawi ng suspek.

Nakuha buhat sa napaslang ang isang kalibre .45 at dalawang granada.    

Show comments