^

Probinsiya

Pekeng pulis timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naaresto  ng mga lehitimong miyembro ng pulisya ang isang  lalaki na nagsuot ng PNP athletic shorts at  nagpapanggap na miyembro ng pambansang pulisya sa isinagawang checkpoint sa Olongapo City nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ni Supt. Fe Greñas, Spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 3 ang nasakoteng suspek na si Kevin Mangiral, 24, ng Purok 2, Brgy. New Cabalan, Olongapo City.

Ang pekeng parak ay nasakote ng mga tauhan ng Olongapo City Mobile Force Company sa isinagawang PNP-Comelec checkpoint operation sa kahabaan ng national highway, Purok 2, Brgy. New Cabalan ng naturang siyudad.

Si Mangiral ay nakasuot ng PNP athletic shorts at lulan ng kaniyang motorsiklo nang parahin ng operating team  dahilan hindi ito nakasuot ng helmet pero nagmatigas pang sumailalim sa inspeksyon na pinalagan ang mga pulis na nagbabantay sa checkpoint .

Gayunman sa isinagawang beripikasyon ay natukoy na peke o hindi miyembro ng PNP ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10054 (no helmet), disobedience at Article 179 (illegal use of uniforms) sa ilalim ng Revised Penal Code.

vuukle comment

FAKE COP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with