^

Probinsiya

Ambush: 2 dedo, 1 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawa katao ang nasawi makaraang tambangan ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa naganap na karahasan habang nalalapit na ang Barangay at Sanggunian Kabataan elections  sa Brgy. Notong, Pualas, Lanao del Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Jabber Tanog, 37-anyos at Ayno Saripada, 31 taong gulang . Samantalang masuwerte namang nakaligtas sa insidente ang kasamahan ng mga itong si Aladin Saripada, 42 taong gulang.

Bandang alas-8:30 ng gabi, ayon kay Sr. Inspector Jemar delos Santos, Spokesperon ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Police nang mangyari ang pananambang sa mga biktima sa nasabing lugar.

Ang insidente ay inireport sa mga awtoridad ni Pualas Municipal Vice Mayor Tony Tanog.

Sa imbestigasyon, kasalukuyang naglalakad sina Tanog at Saripada sa lugar kasama si Aladin Saripada, nang bigla na lamang ang mga itong paulanan ng bala ng mga armadong salarin.

Gumanti naman ang mga target sa mga armadong lalaki pero napuruhan sa barilan sina Tanog at Ayno na agarang ikinasawi ng mga ito habang nagawa namang makatakbo at makaligtas ni Aladin.

Inihayag ng opisyal na lahat ng anggulo ay sinisilip sa kasong ito, una ay kung may kinalaman sa pulitika, rido o clan war, alitan sa lupain at iba pa.

vuukle comment

AMBUSH

NASAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with