^

Probinsiya

Shootout sa Zambo: 2 tigok

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng mga elementong kriminal ang napaslang sa shootout makaraang makasagupa ang tropa ng pulisya sa liblib na lugar sa Brgy. East Migpulao, Dinas, Zamboanga del Sur nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ni Chief Inspector Helen Galvez, Spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 9 ang mga napaslang na suspek na sina Moamar Ansang Fermin, Number 7 most wanted sa lalawigan, 36-anyos at Suwad Abang Esmael, No. 2 wanted sa bayan ng Dinas. Bandang alas-7:10 ng umaga , ayon sa opisyal nang mangyari ang bakbakan sa isinagawang law enforcement operation ng mga operatiba ng pulisya sa nasabing lugar laban sa notoryus na grupo ni Anwar Ansang, lider ng kriminal na grupo.

Nabatid na nakatanggap ng report ang mga awtoridad sa presensya ng grupo sa lugar na nauwi sa shootout sa pagitan ng magkabilang panig.

Sa kasagsagan ng shootout ay napatay ang dalawang suspek habang arestado naman ang dalawa pa nitong mga kasamahan na nakilala namang sina Hadad Nanding, 23, at Mahadam Giapal, 28 taong gulang.

Narekober naman mula sa mga napatay na suspek  na si Fermin ang isang Colt M16 rifle na may isang magazine, apat na basyo ng cal 5.56 rifle, isang Nokia cell phone  habang kay Esmael ay isang carbine rifle na may 51 bala at magazine.

Nakumpiska naman sa mga naarestong suspek ang isang cal. 45 caliber pistol at mga bala.

vuukle comment

DEAD IN SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with