^

Probinsiya

Misis dedo sa bugbog ni mister

Boy S. Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines — Nasawi na ang isang 35-anyos na ginang matapos siyang walang habas na bugbugin ng kanyang mister makaraang magtalo sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Loma De Gato sa bayan ng Marilao, Biyernes ng madaling araw. 

Naisugod pa sa Rogasciano M. Mercado Memorial Hospital subalit hindi na umabot pa nang buhay ang biktimang si Michelle Roxas, empleyado sa isang kilalang mall sa bayan ng Marilao at residente ng natu­rang barangay. Kaagad namang tumakas ang suspek na si Carl Michael Roxas, 34-anyos, isang drayber.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong ala-1:00 ng madaling araw ay kasalukuyang nagtatalo ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay at nang marinig ng ina ng biktima na si Gregoria Milan ay kaagad na rumesponde saka sinubukang payapain ang away ng mag-asawa at sinabihang mag-usap na lamang upang malutas ang kanilang problema. 

Sa halip na itigil ng suspek ang pananakit sa asawa ay lalo lang nitong sinaktan, sinakal saka iniuntog ang ulo sa kongkretong pader na naging dahilan upang mawalan ito ng malay saka kaagad na isinugod sa ospital kung saan idineklarang dead-on-arrival.

Mabilis namang tumakas ang suspek habang matinding selos ang tinitingnang anggulo ng pulisya sa ugat ng kanilang away.

vuukle comment

DEAD FROM BEATING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with