Lolo tigok sa amok na kelot

MANILA, Philippines — Makapanindig-balahibo ang karumal-dumal na kamatayang sinapit ng isang 64-anyos na lolo matapos tadtarin ng taga hanggang mapatay ng nag-amok nitong kapitbahay sa Brgy. Busilac, Bayombong, Nueva Vizcaya noong Huwebes.

Batay sa ulat ni SPO1 Nilo Villanueva na naburyong si Benedicto Salud 57-anyos dahil hindi umano nasarapan sa nilutong hapunan ng kanyang misis.

Dito na nagwala si Salud at hinabol pa ng itak ang anak na binata  bago nito nakasalubong sa daan ang lolong si Rodolfo Bugtong na walang kamuwang-muwang sa pangyayari.

Tumakas si Salud matapos mapagod tagain ang lolo subalit kalaunan ay nadakip sa isang follow-up operation ng pulisya sa kabundukan ng Sitio Cawacao, Brgy. Sto Domingo sa bayan ng Bambang.

Humaharap ngayon sa kasong murder si Salud na nakapiit sa mga sandaling ito sa istasyon ng pulisya sa Bayombong.

Show comments