Bading na titser, ni-rape ng amain
Raymund Catindig, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - April 13, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 21-anyos na bading na guro ang umano’y ginahasa ng sarili nitong amain matapos na pasukin sa toilet naganap sa Teachers Camp sa lungsod ng Baguio nitong Miyerkules.

Sa report ng Cordillera Police, ang biktima ay itinago sa pangalang “Piolo”, isang guro at residente ng # 186 A Tea­chers Camp ng nasabing lungsod.

Arestado naman ng nagrespondeng mga operatiba ng pulisya ang suspek na kinilalang si Randy Clemente, 36-anyos, may asawa, walang hanapbuhay at residente rin ng nasabing lugar.

Sa salaysay ng biktima lasing siya nang sinundan ng amain sa palikuran kung saan siya hinalikan bago kinaladkad sa kuwarto at ginahasa dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Nakatakas si Piolo at agad na inireport ang krimen sa Baguio City Police Station 3.

Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang suspek na nahaharap sa kasong kriminal.

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with