Duguang bumulagta ang biktimang si Chairman Froilan Maquiniana, 47, ng nasabing barangay. File

Tserman itinumba sa session hall
Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2017 - 4:00pm

CAMARINES NORTE, Philippines  - Dumanak ng dugo sa loob ng session hall makaraang ratratin sa harapan ng mga konsehales ang kanilang tserman habang isinasagawa ang 14th regular session sa Barangay Nakalaya, bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte kamakalawa.

Duguang bumulagta ang biktimang si Chairman Froilan Maquiniana, 47, ng nasabing barangay.

Naitala ang pamamaslang dakong alas-10 ng umaga habang nasa kalagitnaan ng session ang mga barangay kagawad.

Nabatid na biglang pumasok ang limang armadong kalalakihan na sinasabing mga rebeldeng New People’ Army na nakasuot ng uniporme ng sundalo.

Nang matunton ang kina­roroonan ng biktima ay kaagad na pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Halos matulala ang mga kasamahang kagawad ng barangay na walang nagawa dahil sa takot na madamay.

Nagbanta pa ang mga rebelde na huwag nang makialam at ang biktima lamang ang kanilang kailangang iligpit.

Tumakas ang mga rebelde patungong bulubunduking bahagi ng Barangay San Rafael.

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng M16 Armalite rifle.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with