^

Probinsiya

4 holdaper patay sa shootout

Pilipino Star Ngayon
4 holdaper patay sa shootout

Isa sa apat na holdaper na napatay ang sinusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa naganap na shootout sa Brgy. Santa Rosa I, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi. Romeo “Boy” Cruz

BULACAN, Philippines – Apat-katao na sinasabing notoryus na holdaper ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa naganap na magkahiwalay na police ope­ration sa mga Brgy. Santa Rosa I sa bayan ng Marilao at Brgy. Igulot sa bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon.

Kinilala ang mga napatay na sina Aldrin Data, Roberto Paragas, 33, kapwa nakatira sa Brgy. Bagong Barrio, Caloocan City habang bineberipika pa ang pagkakakilanlan ng dalawa.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Amado Mendoza Jr., dakong alas-5:10 ng hapon nang tangkaing sitahin ng mga pulis sina Data at Paragas na lulan ng motorsiklo.

Imbes na huminto ay pinutukan ang mobile car ng mga pulis kaya naganap ang shootout sa Barangay Santa Rosa I.

Ayon sa pulisya, naunang hinoldap ng dalawa ang negosyanteng si Milan Singh kaya rumesponde sina P/Senior Insp. Edgardo Tongol, PO2 Melvin Mijares, PO2 Carlo Cuntapay, at si PO1 Nico Riño.

Samantala, napatay din sa shooutout ng mga tauhan ni P/Supt. Jowen Dela Cruz ang dalawang hindi kilalang lalaki na sinasabing hinoldap ang negosyanteng si Robejon Fiestas sa Barangay Igulot.

Narekober sa apat na holdaper ang cal.22 revolver,tatlong cal.38 revolver, apat na plastic sachet ng shabu, dalawang motorsiklo na walang plaka at personal na gamit ng apat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with