3 nirapido sa Christmas party, utas

Rhoderick Beñez at Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 13, 2016 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines – Tatlo-katao kabilang ang talunang mayoralty bet ang napatay makaraang ratratin ng mga hindi kilalang lalaki sa Christmas party at family reunion sa Barangay Katiku, bayan ng Pres. Quirino sa Sultan Kudarat kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga napatay na sina Peter Dumrigue, tumakbong alkalde noong nakalipas na halalan; Ernesto Ayson, at si Florante Guillermo habang sugatan naman si Oyet Mateo.

Base sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Raul Supiter, director ng Sultan Kudarat police office, naitala ang krimen bandang alas-6:30 ng gabi habang nagkakasiyahan ang mga biktima sa nasabing okasyon kung saan umalingawngaw ang sunud-sunod na putok gamit ang M16 Armalite rifle.

Gayunman, gumanti rin ng putok ang mga security escort ni Dumrigue subalit hindi tinamaan ang gunmen na mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima subalit namatay din.

Napag-alamang humi­ling ng dalawang security escorts si Dumrigue dahil sa mga natatanggap nitong pagbabanta sa buhay.

Sinisilip ng mga awtoridad ang anggulong away-politika na isa sa motibo sa nasabing pamamaril.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with