5 dakma sa pot session
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - June 10, 2016 - 12:00am

ANGELES CITY, Pampanga, Philippines - Kalaboso ang binagsakan ng lima-katao makaraang maaktuhan ng mga operatiba ng pulisya sa pot session sa isang bahay na ginawang drug den sa Leen Street, Barangay Cut-Cut sa Angeles City, Pampanga noong Miyerkules ng hapon.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Fer­nando Lumanlan, Joan Nersy Balboa, kapwa residente sa Barangay Sta. Trinidad; Andy Manio, Dorothy Bolus ng Barangay Cut-Cut; at si Nerissa Buan ng Barangay Pulong Bulo.

Base sa ulat ni P/Chief Insp. Wendel T. Arinas, commander ng Police Community Precinct 5, sinalakay ng mga operatiba ng pulisya ang bahay ni Jon-Jon Miranda matapos makatanggap ng impormasyon na may nagaganap na pot session.

Naaktuhan naman ang mga suspek sa pot session kung saan hindi na nakapalag. 

Nakatakas naman ang may-ari ng bahay na si Miranda matapos itong makatunog sa pagsalakay ng pulisya.

Nasamsam sa mga suspek ang isang plastic sachet ng shabu, at mga drug pharrapernalia.

2016 NATIONAL BUDGET DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT SPECIAL PURPOSE FUNDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with