^

2 lolo nagbigti

Raymund Cantindig (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2016 - 9:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Dalawang lolo ang sumalubong kay kamatayan sa pamamagitan ng pagbibigti sa kanilang mga bahay sa magkahiwalay na insidente sa Isabela at Ilocos Norte kamakalawa.?

Ayon kay Sr. Insp. Rimelvin Dungca, hepe ng PNP San Guillermo,  Isabela na nagbigti sa bintana ng kanilang kuwarto si Rogelio Nacino, 60, ilang minuto matapos ang maluha-luha niyang pagyakap sa misis dakong alas- 8:00 ng umaga sa Brgy. San Estrella. ?Ayon sa misis ng biktima, hindi niya inaasahan magpapakamatay ang mister matapos bayaran ng kanilang mga anak ang malaki nitong pagkakautang.?Pinaniniwalaang sobrang kahihiyan ang nagtulak sa matanda na kitilin ang sariling buhay nang magkulong at ikandado nito ang kanilang kuwarto, dagdag ni Dungca.?

Samantala sa Batac City, natagpuang nakabigti ang 63- anyos na si Jose Laxana Sr. ilang minuto matapos dumating mula sa isang family reunion sa Currimao.

Pinaniniwalaang problema sa pamilya at pinansiyal ang nagtulak sa matanda na magpakamatay.?

Ayon kay Chief Insp. Jonathan Papay, tagapagsalita ng Ilocos Norte Provincial Police, unang tinangka ng biktimang magbigti noong nakaraang Nob­yembre su­balit maagap na napigilan ng kanyang misis.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with