_ngayon
^

Probinsiya

Mister todas sa ambus

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City, Philippines – Patay ang isang 35-anyos na mister habang nakaligtas ang kaibigan nito matapos silang tambangan ng mga di-nakikilalang mga suspek habang sakay sa motorsiklo kamakalawa sa Sitio Putyong, Barangay Luy-a, Aroroy, Masbate.

Dead-on-the-spot ang biktima na si Ambrosio Miralles, may asawa, ng nasabing barangay bunga ng mga tama ng bala sa katawan samantalang masuwerteng nakaligtas si Gilbert Paliza, 27, may-asawa, ng Barangay Concepcion, nasabing bayan.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:00 ng hapon habang papauwi na at magkaangkas ang biktima at kaibigan nito sa motorsiklo nang tambangan pagdating sa nasabing lugar ng mga di-nakikilalang suspek at saka sila pinagbabaril.

Narekober ng mga pulis na nagresponde ang mga basyo ng bala at ang motorsiklo ng biktima.

Ang nakaligtas na biktima ay dinala ng mga awtoridad sa himpilan ng pulisya upang isailalim sa masusing im­bestigasyon.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with