13-anyos winakwak ang leeg
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - February 5, 2016 - 9:00am

PITOGO, Quezon, Philippines – Wakwak ang leeg dahil sa tama ng taga at patay na nang matagpuan ang isang 13-anyos na babae na hinihinalang pumalag sa tangkang panghahalay ng kanyang kapitbahay sa Barangay Poblacion, kamakalawa ng umaga.

Sa kahilingan ng pamliya, itinago ang biktima sa pangalang Althea, samantalang itinuro naman ng saksi na ang huling kasama ng biktima bago ito natagpuang  patay ay si Wendel Lizaro, 30, na ngayon ay tinutugis ng pulisya.

Base sa ulat, noong umaga ng Pebrero 3, 2016 ay nagpaalam ang biktima sa mga magulang na pupunta lamang sa mga kaibigan subalit nakalipas na ang maghapon ay hindi pa siya bumabalik.

Nang hanapin ng mga opisyal ng barangay ang biktima, natagpuan siya sa isang damuhan na wala nang buhay at may malaking taga sa leeg at ang dalawa niyang kamay ay tinalian ng ID lace.

ANG BARANGAY BARANGAY POBLACION BIKTIMA ISANG LEEG MGA NANG PEBRERO WAKWAK WENDEL LIZARO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with