^

Probinsiya

2 akyat-bahay, nasakote

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang dalawang miyembro ng Akyat-Bahay Gang matapos itong masakote kaugnay sa naganap na nakawan sa Barangay Muzon, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Bernabe Laluan, 48; at Enrico Nocup, 24, mga nakatira sa nasabing barangay. Base sa police report na isinumite sa Camp Alejo Santos, nilooban ng mga suspek ang bahay ni Ferdinand Salonga sa Barangay Muzon. Bukod sa pagnanakaw ay sinaksak at pinalo ng mga suspek ang biktima matapos madiskubre ang pagnanakaw. Sa follow-up operation ay naaresto ang mga suspek sa kanilang pinagkukutaan makaraang makatanggap ng impormasyon mula sa isang residente. Narekober sa mga suspek ang kinulimbat na mga gamit ng biktima habang nasamsam kay Nocup ang 5-plastic sachet ng shabu.

AKYAT-BAHAY GANG

ANG

BARANGAY MUZON

BERNABE LALUAN

BUKOD

BULACAN

CAMP ALEJO SANTOS

ENRICO NOCUP

FERDINAND SALONGA

MGA

SAN JOSE DEL MONTE CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with