Gasolinahan hinoldap
Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2016 - 9:00am

CAMARINES NORTE, Philippines - Hindi pinaligtas ng tatlong kalalakihan ang maliit na gasolinahan makaraang hol­dapin at tangayan ng malaking halaga sa naganap na panibagong karahasan sa Purok 6, Barangay Lag-on, bayan ng Daet, Camarines Norte kahapon ng madaling araw. Batay sa police report na nakarating sa himpilan ng pulisya, nagpagasolina ang tatlong lalaki na lulan ng motorsiklo malapit sa Ritz Hotel.

Gayon pa man, ilang minuto ang nakalipas ay kaagad na tinutukan ng ice pick ang tumatayong gasoline boy at cashier na si Joseph de Luna ng Barangay Bibirao.

Hindi na pumalag si Joseph sa takot na mapatay. Nagawang tangayin ng mga holdaper ang P7,000 cash, silver necklace at cellphone ng gasoline boy.

ACIRC ANG BARANGAY BIBIRAO BARANGAY LAG BATAY CAMARINES NORTE DAET GAYON NAGAWANG PUROK RITZ HOTEL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with