Panadero inutas sa panaderya
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2016 - 9:00am

QUEZON, Philippines – Pinaniniwalaang inggitan sa trabaho ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang 24-anyos na panadero ng dating kasamahan sa panaderya sa Barangay Lutucan 1, bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng madaling araw. Wakwak ang dibdib dahil sa dami ng saksak ang biktimang si Noel Mercado, binata habang pinaghahanap naman ang suspek na si Rengem Sinag. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na mahimbing na natutulog sa loob ng barracks ng panaderya ang biktima nang pumasok at saksakin ng suspek. Ayon sa ilang kasamang panadero, palakad na tumakas ang suspek na animo’y walang naganap na krimen. Bago maganap ang pananaksak ay sinibak sa trabaho ang suspek dahil sa pakikipag-away sa mga kasamahan.

 

ANG AYON BARANGAY LUTUCAN DAHIL NOEL MERCADO PINANINIWALAANG QUEZON RENGEM SINAG SARIAYA SUSPEK WAKWAK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with