Drug pusher tumba sa shootout
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2016 - 9:00am

CAVITE, Philippines – Napaslang ang 42-anyos na sinasabing drug pusher matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa bahagi ng Barangay Molino 3 sa Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si Ramir “Tisoy” Mananthan ng nabanggit na barangay. Sa ulat ng pulisya na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, inilatag ang buy-bust operation laban kay Tisoy subalit nakatunog ito at nakipagbarilan. Gayon pa man, gumanti ng putok ag grupo ng PNP kaya bumulagta ang drug pusher na si Tisoy. Sa tala ang pulisya, si Tisoy ay itinuturong nasa likod ng serye ng nakawan sa nasabing barangay at pangunahing suspek sa pagpatay sa isang negosyante sa Camella Spring Ville noong Nobyembre 14, 2015. Narekober ang isang cal. 38 revolver, mga bala at ang P500 marked money na ginamit sa buy-bust operation.

ANG BACOOR CITY BARANGAY MOLINO CAMELLA SPRING VILLE CAMP PANTALEON GARCIA CAVITE GAYON IMUS CITY KINILALA MANANTHAN TISOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with