2 bata nalunod sa irigasyon
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2016 - 9:00am

NORTH COTABATO, Philippines – Dalawang menor-de-edad ang nalunod matapos na mahulog sa irigasyon sa naganap na magkahiwalay na insidente sa Koronadal City, South Cotabato kamakalawa. Si Gian Falco Sanidad, 2, ng Purok Riverside, Barangay Sto. Niño ay sinasabing nalunod sa irigasyon kamakalawa ng hapon. Lumutang ang bangkay ni Sanidad sa irrigation canal sa Barangay Namnama sa nasabing lungsod bandang alas-9 ng gabi. Samantala, nalunod din sa irigasyon ang biktimang si Arthur Radam, 1, ng Purok Rosal, Barangay Namnama, bandang alas-3 ng hapon. Sa pahayag ng magulang ni Radam, tumawid ito papuntang irigasyon saka nahulog at nalunod. Napag-alamang may 1-kilometro ang layo mula sa kinahulugan ng bata kung saan naman nakita ang bangkay nito.

ARTHUR RADAM ATILDE BARANGAY NAMNAMA BARANGAY STO DALAWANG KORONADAL CITY LUMUTANG PUROK RIVERSIDE PUROK ROSAL SI GIAN FALCO SANIDAD SOUTH COTABATO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with