^

Probinsiya

Manager hinoldap ng 3 ‘parak’

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Isang lala­king manager ng kilalang money changer ang hinol­dap ng tatlong kalalakihan na nagpakilalang mga pulis at tumangay ng mahigit P.1 milyon cash sa Brgy. Tabang, Guiguinto, Bulacan kahapon.

Kinilala ang biktima na si Joven Siasoco, 49, manager ng JTS money changer at residente ng Brgy. Tibig sa Bulakan, Bulacan.

Pinaghahanap naman ang tatlong suspek na pa­wang armado matapos tumakas lulan ng Honda Civic na hindi nakuha ang plaka.

Sa report ni SPO2 Santiago Estrella, dakong alas-7:45 ng gabi habang nag-aabang ng sasakyan ang biktima sa isang lugar sa Brgy. Tabang galing ng Manila matapos na ipalit nito ang $6,000 na may katumbas na halagang P250,000 sa isa pang money changer sa Malate nang big­lang tumigil sa harapan nito ang sasakyan ng mga suspek na nagpakilalang mga pulis.

Puwersahan umanong ipinasok sa sasakyan. Puma­lag ang biktima subalit pinalo siya ng baril ng mga suspek sa ulo. 

Habang nasa loob ng sasakyan ang biktima, agad na tinakpan ang mga mata nito at kinulimbat ng mga suspek ang kanyang pera at saka siya inabandona sa isang lugar sa Brgy.Taal sa Bocaue hanggang sa makita siya ng mga barangay tanod na agad na humingi ng tulong sa pulisya.

ACIRC

ANG

BOCAUE

BRGY

BULACAN

BULAKAN

HONDA CIVIC

JOVEN SIASOCO

MGA

SANTIAGO ESTRELLA

TABANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with