Hotel owner itinumba

Arnell Ozaeta (Pilipino Star Ngayon) - January 5, 2016 - 9:00am

BATANGAS, Philippines – Patay ang 36-anyos na negosyante matapos itong pagbabarilin ng di-pa kilalang gunman sa loob ng pag-aaring hotel sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas noong Lunes ng umaga.

Limang bala ang tumapos sa buhay ni Jussein  “Jet” San Juan ng Ayala Alabang Village, Muntinlupa City, tubong Poblacion 2 sa Tanauan City, Batangas at may-ari ng Junction Inn Mansion Hotel sa Barangay Uno sa nasabing bayan.

Ang pamilya rin ng biktima ang may-ari ng San Juan Je­welry and Pawnshop, Caltex Gasoline Station at drive-in motel sa Barangay Pagaspas, Tanauan City.

Ayon sa police report, dalawang di-kilalang lalaki ang nagkunwaring magste-check in sa Junction Inn Mansion Hotel bandang alas-10:45 ng umaga.

Nang makita ng mga suspek si San Juan sa lobby ng hotel, agad nila itong pinagbabaril.

Naisugod pa sa St. Francis Cabrini Hospital ang biktima pero namatay din.

Inaalam pa rin ng pulisya ang motibo ng gunman habang inilatag na ang manhunt operation laban sa mga suspek na tumakas sakay ng traysikel.

 

ANG AYALA ALABANG VILLAGE BARANGAY PAGASPAS BARANGAY UNO BATANGAS CALTEX GASOLINE STATION JUNCTION INN MANSION HOTEL MUNTINLUPA CITY SAN JUAN SAN JUAN JE TANAUAN CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with