2 pedestrian utas sa bangga

Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 25, 2015 - 9:00am

BULACAN, Philippines – Dalawang lalaki ang kapwa nasawi habang tumatawid sa magkahiwalay na kalsada sa Brgy. San Juan at Brgy. Pulong Gubat sa Balagtas, lalawigan ng Bulacan habang sinasalubong ang araw ng Pasko.

Kinilala ang mga biktima na sina Ramon Gatan, 48, stay in worker at pansamantalang nakatira sa Elcamar Hardware sa Brgy. San Juan at Estelito Ortega Sr., 72, ng Brgy. Pulong Gubat, pawang sa bayang ito.

Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa isang ospital ang isa sa mga bumangga na si Mark Darrel Naniong, 22, ng Brgy. Brgy. Burol 1st habang nakakulong ang isa pang suspek na si Luisa Joy Tanig, 18, Northville 6-A, Brgy. Pulong Gubat pawang sa bayang ito.

Base sa imbestigasyon nina PO3 Richard Lagman at PO1 Jerald Manalo, dakong alas-4:00 ng hapon habang tumatawid sa Provincial Road sa Brgy.Pulong Gubat ang biktimang si Ortega Sr. nang biglang dumating ang humahagibis na motorsiklong Honda Bonus (7543-HY) na minamaneho ni Tanig saka binundol ang biktima sanhi upang tumilapon ng ilang metro na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Matapos ang apat na oras, nabundol naman sa may Mac­Arthur Highway, Brgy. San Juan ng motorsiklong Honda Wave 125 na minamaneho ni Naniong ang tumatawid na si Gatan. Dahil sa lakas ng bangga, kapwa sila tumilapon at saka isinugod sa ospital subalit idineklarang patay si Gatan.

ANG ARTHUR HIGHWAY BRGY ELCAMAR HARDWARE ESTELITO ORTEGA SR. GATAN HONDA BONUS HONDA WAVE JERALD MANALO PULONG GUBAT SAN JUAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with