^

Probinsiya

Pastora nilamon ng apoy

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang pastora matapos itong makulong sa nasunog na simbahan sa Purok-6, Barangay 37-D sa Trading Boulevard, Davao City kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Nova Nuez, 25, youth pastor sa Ocean Life Ministries, at nakatira  sa bayan ng La Paz, Agusan del Sur. Sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang sunog bandang alas-11 ng gabi matapos mapabayaan ni Pastor Lo Franco ang dalawang kandilang nakasindi sa loob ng simbahan matapos ang brownout. Sinasabing naghapunan sa labas ng simbahan si Lo Franco kung saan pagbalik nito ay tinutupok ng apoy ang simbahan. Hindi nakalabas sa palikuran ang biktima dahil walang fire exit ang nasabing simbahan kaya madaling kumalat ang apoy.

AGUSAN

ANG

CAMP CRAME

DAVAO CITY

KINILALA

LA PAZ

LO FRANCO

NOVA NUEZ

OCEAN LIFE MINISTRIES

PASTOR LO FRANCO

TRADING BOULEVARD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user