P1.3M marijuana nasamsam

LA TRINIDAD, Benguet, Philippines – Tinatayang aabot sa halagang P1.3 milyon na marijuana ang nasamsam ng mga otoridad sa apat na araw na pagsalakay sa 9 na taniman sa isang remote area sa Kibungan, Benguet.

Nabatid na sinalakay ng mga pulis ang mga taniman sa mga sitios Kalipayan, Lokok at Tabelo, na pawang sakop ng barangay Badeo noong Nobyembre 7 hanggang 10.

Maliban sa mga nakuhang tuyo ng marijuana ay sinunog agad sa lugar ang mga nabunot na tanim at walang naabutan ang mga otoridad na mga nagtatanim sa lugar.

Pagkalipas ng ilang minuto bago maghatinggabi ng Martes ay naaresto ng Baguio policemen ang 27-anyos na si Ahmed Macbada Lumano, ng  Tacay road na may itinatagong plastic sachet ng shabu nang ito ay mapadaan sa police checkpoint sa kahabaan ng Magsaysay Avenue.

Show comments