^

Probinsiya

3 obrero niratrat, dedo

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang tatlong obrero makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa Sitio Kakal, Barangay Mau sa bayan ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao, ayon sa ulat kahapon. Kinilala lamang ang tatlo sa mga alyas Anda, Bakar at alyas Badong na nasa edad 30 hanggang 50 at nakatira sa nasabing barangay. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na nagbabantay ang mga biktima sa saku-sakong palay na kanilang inani nang biglang pagbabarilin. Kaagad na inilibing ang dalawa sa tatlong biktima, ayon sa tradisyon ng Muslim habang ang isa naman ay nakaburol pa. Pinaniniwalaang may kaugnayan sa anihan ng palay ang isa sa motibo ng pamamaslang sa tatlo.

ANG

BADONG

BAKAR

BARANGAY MAU

COTABATO (NORTH)

DATU ABDULLAH SANGKI

KAAGAD

KINILALA

MAGKASABAY

MAGUINDANAO

PINANINIWALAANG

SITIO KAKAL

SOCCSKSARGEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with