^

Magkaibigan sinalvage

Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - October 9, 2015 - 10:00am

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng magkaibigan na binata sa kamay ng mga di-nakikila­lang mga suspek matapos silang pagtatagain at itapon  sa isang liblib na lugar sa Zone 6, Barangay Del Rosario, Bato, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Ang mga biktima ay  sina Donato Marveles ng Barangay Sta Cruz at Rommel Villaraza,  ng Old Moriones sa Ocampo, Camarines Sur.

Ang katawan ng dalawa ay natagpuan ng mga residente na tadtad ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang may tali ang kanilang mga kamay at may piring ang mga mata dakong alas-7:00 ng umaga.

Narekober sa lugar  ang mga driver license ng mga biktima na naging sanhi upang sila ay makilala ng mga awtoridad.

Posibleng pinatay ang dalawa sa naturang lugar matapos dukutin sa kanilang mga bahay.

ACIRC ANG BARANGAY DEL ROSARIO BARANGAY STA CRUZ BATO CAMARINES SUR DONATO MARVELES MGA NAREKOBER OLD MORIONES ROMMEL VILLARAZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with