Lolo patay sa hit-and-run

MANILA, Philippines – Patay ang isang 60-anyos na lolo matapos na masaga­saan ng isang rumaragasang motorsiklo at takbuhan ng dalawang lalaking sakay nito sa Brgy. Road, Purok 3, Brgy. Balangigay, Kitaotao, Bukidnon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Rosendo Dagutac, matandang sultero at residente sa lugar. Siya ay patay nang dumating sa pagamutan dahil sa matinding pagkabagok ng kanyang ulo sa kalsada.

Ayon kay Insp. Jiselle Longakit, spokesperson ng Bukidnon Police, dakong alas-6:30 ng gabi habang  tumatawid ang matanda sa kalsada nang masagasaan ng humahagibis na motorsiklo na sinasakyan ng dalawang hindi nakilalang lalaki.

Gayunman, sa halip na tulungan ang nakahandusay at duguang matanda, humarurot palayo sa lugar ang motorcycle riding-in-tandem.

Show comments