^

Probinsiya

SUV vs truck: 6 utas

Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Anim-katao ang magkakasunod na sinalubong ni kamatayan makaraang magbanggaan ang isang SUV at cement mixer truck sa kahabaan ng Maharlika highway sa Km 27, Barangay Lasang sa Davao City, Davao del Sur kamakalawa ng gabi. Kabilang sa mga biktimang namatay ay sina Jacinto Salera Yamomo, 60; Presentation Pilapil Yamomo, Jeoffrey Pilapil Yamomo, 36; Jovencia Parantar Pilapil, 4; Fe Pilapil Gamat, 50; at si Victoria Pilapil Ogahayon, 67, mga nakatira sa Pioneer Village sa Digos City, Davao del Sur. Sa inisyal na ulat ng Davao City PNP, pauwi na sa Davao del Sur ang mga biktimang lulan ng Mitsubishi Adventure na may plakang LFN 205 nang makasalubong ang cement mixer truck  (AAF 8325 na minamaneho ni Jaime Trazona. Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang driver ng truck at pormal na kakasuhan kaugnay sa naganap na trahedya.

 

BARANGAY LASANG

DAVAO

DAVAO CITY

DIGOS CITY

FE PILAPIL GAMAT

JACINTO SALERA YAMOMO

JAIME TRAZONA

JEOFFREY PILAPIL YAMOMO

JOVENCIA PARANTAR PILAPIL

MITSUBISHI ADVENTURE

NOTABATO (NORTH)

PIONEER VILLAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with