^

Probinsiya

Lady executive dinukot, pinatay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dinukot saka pinatay ang 45-anyos na lady engineer matapos itong barilin sa ulo ng mga di-kilalang lalaki saka iniwan sa loob ng kanyang kotse sa gilid ng highway sa Barangay Timugan, Los Baños, Laguna noong Sabado ng umaga.

Bandang alas-9:30 ng umaga nang matagpuan ang duguang katawan ni Imelda Natividad ng Lipa City, Batangas, at  vice president ng construction firm sa Lipa City, Batangas.

Ayon kay P/Supt. Carlos Barde, hepe ng Lipa City PNP, ang biktima ay iniulat na nawawala noong Biyernes ng hapon kung saan sinasabing dinukot muna saka pinatay.

Lumilitaw din na nag-text ang isa sa kaibigan sa cellphone ng biktima kung saan sumagot namang  hawak namin ang inyong engineer.

Ayon sa pulisya, namataan ang kotdeng Toyota Vios (ZFE 315) ng biktima sa bahagi ng Tiaong, Quezon bago ito abandonahin sa nasabing lugar.

Sa pahayag naman ni P/Supt. Romy Desiderio, hepe ng Los Baños PNP, ilang kabataan ang nakakita sa kotse ng biktima noong Sabado ng umaga na nakaparada sa gilid ng kalsada sa Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development sa nabanggit na barangay.

Umaandar pa ang makina ng kotse nang matagpuan ang biktimang iginapos at may tama ng bala ng baril sa ulo.

Wala namang tinangay na gamit ng biktima partikular na ang dalawang  cellphone, personal na gamit at ang mga pagkain na nabili sa grocery ay nasa trunk ng kotse kung saan may palatandaan namalengke muna ang biktima bago siya dukutin.

Sinisilip naman ng mga imbestigador ng pulisya ang dalawang anggulong may kaugnay sa krimen kung saan ang pagkakasibak kamakailan lamang ng isang kawani ng construction firm at ang P20-milyong halaga ng property deal. Isinalin sa Tagalog ng patnugot

vuukle comment

ANG

AQUATIC AND NATURAL RESOURCES RESEARCH AND DEVELOPMENT

ATILDE

AYON

BARANGAY TIMUGAN

BATANGAS

CARLOS BARDE

IMELDA NATIVIDAD

LIPA CITY

LOS BA

PHILIPPINE COUNCIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with