Truck nahulog sa bangin; 1 dedo, 13 pa grabe
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - March 29, 2015 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Isa ang nasawi habang 13 sa labingwalong pasahero ng Elf truck ng peryahan ang nasa kritikal na kondisyon nang mahulog ito sa bangin sa Brgy. Nalbuan, Baay-Licuan, Abra kamakalawa ng gabi. ?Kinilala ni Insp. Harold Alagao, hepe ng Baay-Licuan Police ang namatay na si Victorino Mangalem habang ang mga kasamahan nito ay naisugod sa iba’t ibang pagamutan. ?Ayon sa driver na si Romuel Ramos, nadulas ang kanyang sasakyan matapos madaanan ang mabatong bahagi sa paahong kalsada sa bundok na naging sanhi ng pagkahulog nila paatras sa 10 metrong bangin dakong alas -7 ng gabi. ?Isinailalim na ng pulisya sa kanilang kustodya ang driver ng truck. (Raymund Catindig)

ABRA AYON BAAY-LICUAN BAAY-LICUAN POLICE BRGY HAROLD ALAGAO ISA RAYMUND CATINDIG ROMUEL RAMOS VICTORINO MANGALEM
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with