Bantay-Bayan nabaril ang sarili

CAVITE, Philippines - Patay ang 34-anyos na miyembro ng Bantay-Bayan matapos mabaril nito ang sarili sa kanilang bahay  kamakalawa ng umaga sa Barangay Cabuco, Trece Martirez City, Cavite. Naisugod pa sa ospital subalit namatay din ang biktimang si Victoriano Lubigan Jr. ng #108 Sitio Don Bosco sa nasabing barangay. Base sa police report, duguang nakahandusay sa kanilang bahay ang biktima nang natagpuan ng kanyang kapatid na si Jeffrey Lubigan kaya humingi ito ng tulong sa ilang barangay opisyal. Tumanggi naman ang pamilya Lubigan na isailalim sa post-mortem examination ang katawan ng biktima habang narekober naman ang isang cal. 45 pistol. Cristina Timbang

Show comments