Trader itinumba ng tandem

MANILA, Philippines – Napaslang ang 44-anyos na negosyante matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaaan ng highway sa Barangay San Jose, bayan ng Quezon, Bukidnon kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Glicerio Suaybaguio ng Barangay Balangay 2 Libertad kung saan idineklarang patay sa Maramag Provincial Hospital. Sa police report na isinumite sa Camp Crame, abala sa negosyong pagtitinda ng kakanin ang biktima nang biglang sumulpot at ratratin ng gunmen bandang alas-7 ng gabi. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ang cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments