Magsasaka kinatay ng kainuman
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2015 - 12:00am

QUEZON, Philippines  - Ibinaon sa putikan ang 46-anyos na magsasaka matapos itong pagtulungang tagain ng kanyang kainuman sa Sitio Camagong, Barangay Cagsiay 1 sa bayan ng Mauban, Quezon kamakalawa ng umaga. Apat na araw nang nawawala nang matagpuan ang biktimang si Pedro Ceda habang pinaghahanap ng pulisya ang mga suspek na kapitbahay na sina Angelito Roxas, Boy Roxas, Dindo Carabido, at ang isa pang di-kilalang lalaki. Ayon sa pulisya, huling nakitang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa mga suspek noong Martes ng gabi (Feb. 10) hanggang sa hindi na ito nakauwi. Narekober sa tabi ng bangkay ng biktima ang mahabang kawayan at lubid na sinasabing pinagtalian sa biktima bago ito ibaon sa putikan.

 

ANGELITO ROXAS APAT AYON BARANGAY CAGSIAY BOY ROXAS DINDO CARABIDO FEB IBINAON PEDRO CEDA SITIO CAMAGONG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with