Lubog sa utang, nagbigti

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dahil sa kaliwa’t kanan na pagkakautang, napagpasyahang magpasalubong kay kamatayan ang 25-anyos na magsasaka matapos itong magbigti sa Barangay Lucban, bayan ng Abulug, Cagayan kamakalawa. Sa pahayag ni SPO1 Alejandro Romina, natulala ang asawang si Rowena Arnedo nang madatnan sa kanilang bahay ang mister na si Allan Arnedo na nakabitin sa kisame dakong alauna y medya ng hapon. Ayon sa misis, matagal nang ikinukuwento ang balak ng biktima na magpakamatay dahil sa hindi na niya kayang bayaran ang mga pagkakautang. Hindi naman pinansin ng asawa ang sinabi ng biktima dahil malakas ang loob nito simula pa nang magsama sila.

Show comments