Ina binoga ng anak dahil sa alak

Ina binoga ng anak dahil sa alak

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kalagayan ang 60-anyos na biyuda makaraan itong barilin  ng barumbadong anak na hindi nabigyan ng pangtoma sa naganap na insidente sa Barangay Canaolan, bayan ng Binmaley, Pangasinan kamakalawa. Naisugod sa Ramirez-Bautista Memorial Hospital ang biktimang si Marieta Abalos habang arestado naman ang suspek na si Aldrin Abalos, 30, caretaker sa palaisdaan. Sa ulat ni P/Senior Supt. Reynaldo Biay na isinumite sa Camp Crame, dakong alas-11:50 ng tanghali nang kausapin ng suspek ang ina at humihingi ng pera para pambili ng alak dahil nabitin ito at mga kabar- kada sa inuman. Ayon sa mga imbestigador, sinabi ng matanda na wala siyang pera at kinabukasan na lamang bibigyan ang suspek na lango sa alak. Gayon pa man, nagwala ang suspek at binaril ang kanyang ina.

Show comments