Negosyanteng babae, itinumba

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Isa na namang negosyanteng babae ang napaslang matapos itong ratratin ng di-kilalang lalaki sa Barangay Centro, bayan ng Sanchez Mira sa Cagayan kamakalawa ng gabi.?

Naisugod pa sa Northern Cagayan District Hospital  subalit namatay din ang biktimang si Katleen Ramos, 46, may negosyong electric products at nagpapaupa ng videoke machines at nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa report ni SPO1 Bla­demir Enteria, si Ramos ay nagtamo ng mga tama ng bala sa mukha at dibdib. Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iisa ang biktima sa kanyang bahay nang pasukin at ratratin ng gunman habang nagpapahinga ito sa kanyang kama.

Tumakas ang gunman sakay ng motorsiklo habang narekober naman sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ang cal. 45 pistol habang patuloy ang imbestigasyon.

Si Ramos ay ikalawang negosyante ang napatay sa Cagayan simula noong mapatay ang fish trader na si Rosana “Osang” Bansig sa Tuguegarao City noong Nob.15.

 

Show comments