Teacher utas sa trailer truck

CAVITE, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 38-anyos na guro habang dalawa naman ang nasugatan makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa kasalubong na trailer truck sa Aguinaldo Highway, Barangay Buho, bayan ng Silang, Cavite kahapon ng umaga.? Kinilala ang namatay na si Cristina Mendoza, dalaga, at teacher sa Carmona National High School habang ginagamot naman sa ospital ang mga sugatang sina Reynante Calliao, 31, at Jaira Cathryn Calliao, 8, Grade III, mga nakatira sa Barangay Tartaria sa nasabing bayan. Arestado naman ang driver ng trailer (CUX-769) na si Bon Brian Legaspi, 36.? Nabatid na magkakaangkas ang mga biktima sa motorsiklo nang iwasan nito ang  ang pick-up na pakanan. Gayon pa man, nakasalubong ng motorsiklo ang rumaragasang trailer truck kaya naganap ang sakuna. 

Show comments