Magsasaka dinedo ng NPA

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Pinabulagta ang 40-anyos na magsasaka na pinaniniwalaang tiktik ng militar at pulisya matapos itong ratratin habang patungo sa sementeryo sa Barangay Aguada, bayan ng Placer, Masbate kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Julius Choy, alyas Jake Robles ng Barangay Calumpang sa nabanggit na bayan. Huling namataang buhay ang biktima na bumisita sa kanyang kaibigan bago nagtungo sa sementeryo para dalawin ang puntod ng kanyang kamag-anak. Naglakad palayo sa crime scene ang mga rebeldeng pumatay sa biktima na animo’y walang naganap na pamamaril.

 

Show comments