Nene nabagsakan ng bato, dedo

SOUTH COTABATO, Philippines – Kamatayan ang  sumalubong sa 10-anyos na nene makaraang mabagsakan ng bato habang naglalaro sa Barangay Tasiman, bayan ng Lake Sebu, South Cotabato kahapon. Sa imbestigasyon ng Lake Sebu PNP, naglalaro ang biktimang si Shirley Legal Manumba na may isang metro ang layo sa kanyang bahay at malapit sa bangin sa Sitio Dwalag nang mahulugan ng bato na tumama sa kanyang noo. Kaagad namang isinugod sa Lake Sebu Emergency Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay ang biktima. 

Show comments