Municipal treasurer dedo sa ambush

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Sinalubong ni kamatayan ang 48-anyos na municipal trea­surer sa bayan ng Jones, Isabela matapos itong ratratin ng pinaniniwalaang hired killer­ habang nagmamaneho ng sasakyan sa mataong lansa­ngan ng Brgy. Calao East, Santiago City kama­kalawa.

Kinilala ni PNP Station 1 Commander Chief Insp. George Cablarda ang nasawi na si Mario Duerme na namatay noon din sanhi ng maraming tama ng bala sa iba’t bahagi ng katawan.

Narekober sa crime scene ang 11 basyo ng cal. 45.

Ang suspek ay tumakas na sumakay sa motorsiklong minamaneho ng kanyang kasamahan. Ipinapalagay ng mga imbestigador na may ka­ugnayan sa trabaho ang motibo ng pagpaslang.

 

Show comments