Ret. teacher lasog sa SUV
Tina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - September 6, 2014 - 12:00am

CAVITE, Philippines – Pisak ang ulo ng isang 66-anyos na retired teacher na agad niyang ikinasawi matapos na bigla na lang umandar ang nakaparadang Sport Utility Vehicle (SUV) na nasa harapan ng biktima, kamakalawa sa Trece Martires City, Cavite.

Kinilala ni Cavite Police Director S/Supt. Joselito Esquivel Jr., ang biktimang si Alicia Amadure, retired teacher na MH Del Pilar St., Silang Cavite.

Arestado naman ang driver ng Toyota RAV 4 (XRK 798) na si Reynaldo Crencia, 40, na residente ng Bayacal St. Sabutan Silang, Cavite.

Base sa report, bandang alas-2:45 ng hapon, habang nakahimpil ang nasabing sasakyan na automatic transmission sa tapat mismo ng Regional Trial Court (RTC) sa L. Signo St., Brgy. Luciano nang i-start ni Crencia pero sa halip na matapakan ang preno ay accelerator pala ang natapakan nito kaya biglang umandar at nasapol ang biktimang nakatayo lang sa harap.

Bumagsak ang biktima nang mabangga at minalas pang magulungan ang ulo nito ng kaliwang bahagi ng gulong na agad nitong ikinasawi.

ALICIA AMADURE BAYACAL ST. SABUTAN SILANG CAVITE CAVITE POLICE DIRECTOR S DEL PILAR ST. JOSELITO ESQUIVEL JR. REGIONAL TRIAL COURT REYNALDO CRENCIA SIGNO ST. SILANG CAVITE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with