Bisor dedo sa pananambang
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2014 - 12:00am

CAVITE, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang 47-anyos na misis habang sugatan naman ang mister nito makaraang tambangan ng motorcycle-riding gunmen papauwi sa kahabaan ng highway sa Barangay San Francisco, bayan ng General Trias, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Lorenda Salcedo, supervisor, habang sugatan naman si Remus Salcedo, 45, contractor, kapwa nakatira sa Tierra Nevada Subdivision sa nasabing bayan.  Sa ulat ni PO3 Darwin Manalo, pauwi na ang mga biktimang lulan ng Toyota Innova (WIN-405) nang ratratin ng gunmen pagsapit sa nasabing lugar. Isinugod sa Gentrimed Hospital ang sugatang si Remus dahil habang dinala naman sa Gentri Doctors Hospital si Lorenda subalit idineklarang patay.

BARANGAY SAN FRANCISCO CAVITE DARWIN MANALO GENERAL TRIAS GENTRI DOCTORS HOSPITAL GENTRIMED HOSPITAL ISINUGOD LORENDA SALCEDO REMUS SALCEDO TIERRA NEVADA SUBDIVISION TOYOTA INNOVA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with