Babae pinatay sa motel

NORTH COTABATO, Philippines - Ginulpi muna saka pinatay sa saksak ang isang babae ng kanyang kasamang lalaki sa palikuran ng motel sa Don Rufino Alonzo Street, Cotabato City, Maguindanao kamakalawa.

Sa ulat ng Cotabato City PNP, nag-check-in sa Room 203 ng Agong Lodge ang biktima na nakilala lamang sa security/claim tag na si Dede Ansangan, guardian ng isang estudyante sa learning center.

Nakabulagta na nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa palikuran ng nasabing motel kung saan pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Roland Yatar ng Barangay Kimagango sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Sa salaysay ng may-ari ng lodge na si Keda Pantao, huling namataang kasama ng biktima na nag-check-in ang suspek kung saan lumampas na sa nakatakdang oras pero hindi pa rin ito lumalabas kaya naisipan nilang katukin.

Gayon pa man, napilitang buksan ang silid ng biktima dahil walang sumasagot.  

Show comments