Misis sinalpok ng kotse, utas

BULACAN , Philippines  — Patay ang 57-anyos na misis habang kritikal naman ang babaeng estudyante makaraang salpukin ng kotse sa harapan ng outpost sa Barangay Guinhawa, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Naisugod sa Bulacan Medical Center subalit namatay ang biktimang si Ludivina Estrada, kawani ng Philstar Marketing Corp. at nakatira sa Barangay Mojon habang inoobserbahan naman ang estudyanteng si Kimberly Mae Bernardo ng Brgy. Longos. Sa ulat ni PO3 Ardon Ahamad, naglalakad ang mga biktima nang salpukin ng Toyota Corolla na walang plaka. Hindi naman sinaklolohan ng driver ng kotse ang mga biktima kung saan tumakas patungo sa direksyon ng Malolos Crossing.

 

Show comments