Estudyante itinumba

MANILA, Philippines - Napatay ang 25-anyos na estudyante sa kolehiyo makaraang ratratin ng mga di-kilalang lalaki sa liblib na bahagi ng Barangay Antipolo Sur, Lipa City, Batangas kamakalawa ng gabi. Namatay habang ginagamot sa Lipa Medix Hospital ang biktimang si Miguel Buendia na napuruhan sa ulo. Sa police reort na nakarating sa Camp Crame, nagmomotorsiklo ang biktima nang harangin at pagbabarilin ng armadong grupo bandang alas-11:20 ng gabi habang patuloy naman ang imbestigasyon. Joy Cantos

Show comments